47

By

3 swak sa Tawi-tawi buy-bust, P34M shabu nasamsam

Umaabot sa limang kilo ng pinaniniwalaang shabu na nagkakahalaga ng P34 milyon ang nasabat ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa isinagawang buy-bust operation sa bayan ng Bongao, Tawi-Tawi, Martes ng umaga.

Naaresto sa nasabing raid ang tatlong suspek na nakilalang sina Haberson Jaafar, Elmer Jamadin, at Adzfar Asali.

Base sa ulat, nasabat ang droga matapos ang operation ng pinagsanib na puwersa ng Armed Forces of the Philippines, Philippine National Police, at PDEA sa Barangay Poblacion sa bayan ng Bonga ng nabatid na lalawigan dakong alas-8:30 ng umaga.

Matapos ihudyat ang pagdakip sa mga suspek ay agad na inaresto ang mga ito ng mga awtoridad.

Nahaharap sa mga kasong paglabag sa Section 5 at 11, Article 2 ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act ang tatlong lalaki.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?