5,554

By

3 suspek hina-hunting sa brutal na pagpatay sa Cebu student

Pinaniniwalaang ginahasa muna bago binalatan ang mukha at pinatay saka itinapon sa bakanteng lote ang isang 16-anyos na estudyante sa Barangay Bangkal, Lapu-Lapu City, Cebu.

Ayon sa mga pulis, tatlong lalaki ang tinitingnang suspek sa karumal-dumal na krimen na ginawa sa Grade 9 student na si Christine Silawan.

Ang tatlo umano ang huling nakitang kasama ng biktima bago ito natagpuang wala nang buhay nitong Marso 11 ng umaga.

Kasalukuyan na umanong inaalam ang kinaroroonan ng mga suspek.

Ayon sa inisyal na report, hindi na umano nakauwi si Silawan nang magpaalam sa kanyang nanay na magtutungo ng simbahan.

Kolektor umano ang biktima sa misa tuwing Linggo sa Sacred Heart Parish Church sa Barangay Pajac.

Agad na ini-report ng kanyang ina ang hindi pag-uwi ng anak noong Linggo at noong Lunes ng umaga ay natagpuan na lang ang bangkay ng biktima sa bakanteng lote sa Bangkal.

Binalatan ang mukha ng biktima hanggang sa lumabas ang bungo at walang damit pang-ibaba.

Posible umanong ginahasa ang biktima pero hindi pa ito makumpirma dahil hindi pa lumalabas ang resulta ng medico legal sa kanyang bangkay.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?