21
kulong
By

3 security guard dakma sa panghoholdap

Arestado ang tatlong security guard na umano’y nangholdap ng dalawang babae nitong Miyerkoles ng madaling-araw sa Las Piñas City.

Kinilala ni Police Col. Simran Gran, hepe ng Las Piñas City Police, ang tatlong suspek na sina Christopher Omotoy, 29; Jayson Rodriguez, 33; at Bernie Apille, 37, pawang mga security guard ng Taurus 57 Security Agency na matatagpuan sa Lopez Martel Pilar Executive Village, Barangay Almanza Uno ng nasabing lungsod.

Sa ulat ni Gran, ala-1:20 ng madaling-araw naganap ang insidente sa BF Pilar Executive Village habang sakay ng kanilang kotse ang mga biktimang sina Esperanza Sierra, 49, at Jean Ignacio, 60.

Nilapitan sila ng tatlong suspek at tinutukan ng baril bago sapilitang inagaw ang kanilang mga cellphone.

Kaagad na humingi ng tulong sa pulisya ang mga biktima. Nasakote ang tatlong suspek sa isinagawang follow-up operation at nabawi ang mga ninakaw nilang gamit.

Sasampahan ng kasong threat at robbery sina Omotoy, Rodriguez at Apille na nakakulong ngayon sa Las Piñas City Police.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?