68

By

3 seasons na alat: Lakers coach Walton sinibak!

Goodbye na sa pagmamando sa Los Angeles Lakers si Luke Walton matapos mabigong ipasok sa playoffs ang koponan sa loob ng tatlong seasons, kahit pa nga nasa roster na si LeBron James.

Inanunsiyo ni Lakers general manager Rob Pelinka ang pag-alis ni Walton, tatlong araw matapos namang magbitiw ang president of basketball operations na si Magic Johnson.

Mayroong record na 98-148 ang dating Lakers forward matapos niyang makuha ang coaching job.

“I want to thank Jeanie Buss and the Buss family for giving me the opportunity to coach the Lakers,” saad ni Walton sa pahayag na inisyu ng Lakers.

Matunog na magiging kapalit ni Walton si ex-Cavaliers coach Tyronn Lue, na dating Lakers guard, dahil sa pagiging malapit nito kay James.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?