38

By

3 sasakyan nagkarambola sa Cebu; 1 patay, 7 sugatan

Nagkasalpukan ang pampasaherong jeep at SUV habang nadamay ang isang motorsiklo na ikinasawi ng driver at pito katao, Sabado ng madaling-araw sa kahabaan ng General Maxilom Ave., Cebu City.

Ayon sa report ng Cebu Police, nakilala ang nasawi na si Raul Largado, driver ng pampasaherong jeep matapos maipit ang katawan sa manibela.

Limang pasahero ng jeep ang sugatan na nagtamo ng bali at sugat sa katawan maging ang dalawang sakay ng nadamay na motorsiklo.

Nabatid na patungo ng Lapu-Lapu City ang pampasaherong jeep habang patungo naman ng Talisay City ang SUV nang maganap ang insidente alas-singko ng madaling-araw (July 20).

Tinangka umano ng SUV na mag-overtake subalit hindi nito napansin ang paparating na jeep na naging dahilan ng pagsalpok nito.

Kasalukuyang nakakulong ang hindi pa nakikilalang driver ng SUV sa Parian Police Station sa Cebu habang inihahanda ang isasampang kaso laban sa kanya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?