47

By

3-point record binasag! Lamont Strothers bumilib kay Brownlee

Tila pinasa ni Lamont Strothers ang korona kay Justin Brownlee matapos maungusan ng Ginebra import ang una sa may pinakamaraming tres na reinforcement sa PBA.

Gumawa ng bagong record si Brownlee nang kanyang isalpak ang ika-326 na tres sa kanyang PBA career sa Game 2 ng PBA Governor’s Cup finals para higitan si Strothers na naging household name naman para sa San Miguel buhat noong 1997

“Records are made to be broken. Someone will come along and I’ll be #3. The key is longevity and character,” ayon kay Strothers. “Can you maintain a level of ability and character to keep them bringing you back to break the records? Speaks great of B’s character! Congrats Brownlee! Keep striving.”

Sa ngayon ay isa nang basketball coach at motivational speaker si Strothers, na naglaro din dati para sa Dallas Mavericks at Portland Trailblazers sa NBA.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?