53

3 ‘persons of interest’ sa Grab driver case, inabsuwelto

Dahil walang makitang anuman kaugnayan sa pagkakapatay sa Grab driver, pinauwi na rin ng Pasay City police ang tatlong aircon technicians na itinuring nilang ‘persons of interest’ sa kaso.

Sinabi ni Police Supt. Gene Licud, deputy chief of police for operations, nakita sa CCTV footages na bumaba sila ng Toyota Innova ng biktimang si Gerardo Maquidato Jr.

Naunang sinabi ni Licud na natunton nila sa Batangas at Makati City ang tatlo base sa ‘booking record’ ng Grab at aniya matapos sumakay sa San Juan City ay hindi bumaba ang mga ito sa dapat na pinaghatidan sa kanila ni Maquidato.

Dagdag pa ng opisyal may mga persons of interest pa rin silang itinuturing sa kaso.

Aminado naman si Licud na hindi pa nila alam kung ano ang maaring motibo sa pagpatay kay Maquidato bagamat aniya nawawala pa rin ang sasakyan ng biktima. (Pinggoy Romero)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?