42

By

3 miyembro ng Daulah Islamiyah, naaresto sa Parañaque, Cainta

Tatlong hinihinalang miyembro ng Islamic State-linked extremist group Daulah Islamiyah Ranao ang nalambat sa isinagawang operasyon sa Parañaque City at Cainta, Rizal.

Unang nadakip ng mga operatiba ng Philippine National Police Criminal Investigation and Detection Group sina Norodin Abolkhair Manalinding at Cairo Gen Manatao Abolkhair sa Baclaran, Parañaque City dakong alas-3:30 ng madaling-araw dahil sa mga armas, explosive device at bala.

Lumabas sa imbestigasyon na si Manalinding ang umano’y finance facilitator at recruiter ng teroristang grupo.

Isa pang hinihinalang miyembro ng terror group na si Tagoranao Dimaro Sarip Jr., ang naaresto dakong alas-sais ng umaga sa Sto. Domingo, Cainta sa pamamagitan ng search warrants dahil sa pag-iingat ng illegal firearms at explosives.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?