83
gang-rape
By

3 menor-de-edad nanggahasa ng Grade 11 student

Kalaboso ang apat na lalaki kabilang ang tatlong menor-de-edad matapos nilang i-gang rape ang isang Grade 11 na babae sa Alcala, Pangasinan noong Miyerkules.

Ayon sa Alcala Police Station (APS) ang mga pagkakilanlan ng biktima at mga suspek ay hindi muna pinangalan para sa follow-up investigation.

Sinabi ng APS, bago naganap ang insidente, ayon sa testimonya ng lolo ng biktima na si Mang Alfonso (hindi tunay na pangalan), ng nasabing bayan, hindi nakauwi ang biktima na kadalasang umuuwi ng alas-2:30 hanggang alas-3:00 ng hapon.

Dito napag-alaman na ang biktima ay papalabas ng kanilang paaralan sa Bayambang, Pangasinan noong harangin siya ng mga suspek upang imbitahan sa isang birthday party ng isang kaibigan.

Sa pahayag ni Alcala Municipal Social Welfare and Development (AMSWD) chief Evangeline del Castillo, pagkatapos uminom ay ipinasok ang biktima sa isang kuwarto at doon ginahasa ang biktima ng sunod-sunod ng mga suspek.

Ang mga menor-de-edad na mgsa suspek ay nasa pangangalaga ng AMSWD habang ang isang sa kanila ay kinulong sa APS.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?