189

By

3 manyak nanggahasa sa loob ng vulcanizing shop

Pinaghahanap ngayon ng Marikina Police ang isang 22-anyos na suspek habang naaresto naman ang dalawang kasamahan nito matapos ireklamo ng kasong panghahalay sa kanilang katrabaho sa loob ng vulcanizing shop, Biyernes ng madaling-araw sa Barangay Malanday, Marikina City.

Batay sa nakalap na report mula kay Eastern Police District (EPD) Director PBGen. Johnson Almazan, target ngayon ng Marikina Police si Ferigrino Arseo y Gernale, 22-anyos, habang naaresto na ang dalawang kasamahan nito na sina Jayvee Divinaflor, 25-anyos, vulcanizer at Mark Joseph Valenzona y Oquias, 23-anyos.

Ayon sa report, nagkaayaang mag-inuman ang magkakasama sa trabaho matapos ang kanilang ginawa sa loob ng vulcanizing shop na matatagpuan sa Lourdes St., Gate 2 Sta. Teresita Village, Barangay Malanday, Marikina City at natapos bandang alas-3:00 na ng Biyernes ng madaling-araw.

Ayon sa biktima na si Edlaviste, nalasing siya at nakatulog at nagising nang maramdaman ang mabigat na dumagan sa kanyang katawan.

Nakita niya na hawak nina Arseo at Valenzona ang kanyang kamay at paa at pumatong na sa kanya si Divinaflor na doon na siya hinalay.

Matapos ang panghahalay ay nagawang makatakas ng biktima na agad namang humingi ng tulong sa Marikina PCP-4 na ikinaaresto ng dalawang suspek habang nakatakas naman si Arseo.

Kasalukuyang nakakulong ang dalawa at nahaharap sa kasong paglabag sa RA 8353 o rape.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?