224

By

3 lindol naramdaman sa Bicol

Tatlong magkakasunod na lindol ang nagpauga sa mga lalawigan ng Sorsogon at Camarines Sur nitong Sabado ng umaga.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), unang naramdaman ang magnitude 2.1 na lindol dakong alas-12:30 ng hatinggabi.

Naitala ang sentro nito sa bayan ng Prieto Diaz, Sorsogon.

Sinundan ito ng magnitude 2 dakong ala-1:20 ng madaling-araw sa Camarines Sur na sentro ay sa bayan ng Bonbon.

Samantala, panibagong magnitude 2.7 naman ang naranasan sa Camarines Sur dakong alas-11:35 ng umaga sa bayan ng San Fernando.

Pawang tectonic ang origin ng tatlong lindol.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?