287
hinalay
By

3 kelot nanghalay ng kaibigan, timbog

Arestado ang tatlong lalaki matapos mang-rape umano ng kanilang 16-anyos na kaibigan, Huwebes ng madaling araw sa Pasig City.

Batay sa report ng Eastern Police District (EPD), nahaharap sa kasong paglabag sa RA 8353 o rape sina Daniel Zipagan, 20-anyos; Francisco Banguilan, 26-anyos, at John Paul Soriano, 18-anyos, pawang mga electrician at residente ng Pasig City.

Naganap ang insidente bandang alas-12:30 ng madaling araw nang makatulog ang biktima na si alyas “Cara” dahil nalasing sa pakikipag-inuman sa mga kaibigang suspek sa bahay ng isa sa Amang Rodriguez Avenue, Barangay Manggahan.

Ayon sa biktima, nagising na lang siyang walang suot na damit habang iniwan na siya ng mga nakainuman.

Agad nagsumbong sa Barangay Security Force ng Manggahan ang biktima, na siyang naghanap at umaresto sa mga suspek.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?