24

By

3 kaanak ni Echegaray tiklo sa droga

Sharing is caring!

Naaresto ng mga operatiba ng Masambong Police Station ang limang adik at tulak kabilang na ang kapatid at mga pamangkin ni Leo Echegaray sa isinagawang anti-drug operation sa Quezon City kaninang madaling-araw.

Si Echegaray ay nahatulan ng bitay sa kasong rape sa kanyang anak-anakan noong 1999.

Kinilala ni P/Supt. Rodrigo Soriano, hepe ng PS2, ang mga naaresto na sina Noel Echegaray, 49, kapatid ng nabitay na si Leo; pamangkin na sina Norman, 30; at Jonathan, 19; kasamahan na sina Maribel Ruxil, 40; at Herbert Juilon, 20, pawang mga residente ng Brgy. San Antonio, QC.

Ayon sa report, alas-12:30 ng madaling-araw ng Enero 11 isinagawa ang buy–bust sa Brgy. San Antonio.

Isang police asset ang nagbigay ng impormasyon sa pulisya hinggil sa ginagawang pagtutulak at paggamit ng ililgal na droga ng mga nabanggit na suspek kaya agad na ikinasa ang operasyon laban sa kanila.

Inamin sa pulisya ni Noel na nagtutulak siya at gumagamit din ang kaniyang mga kasamahan.

Nasamsam ng mga awtoridad sa mga suspek ang mga drug paraphernalia, walong sachet ng shabu at P500 buy–bust money.

Nakapiit ngayon sa detention cell ng Masambong Police Station ang mga nahuli habang inihahanda ang kaso nilang paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?