130

By

3 Ginebra player pinakawalan sa final Gilas SEAG lineup

Hindi kasama ang pangalan ng tatlong Ginebra player para sa Final 12 ng Gilas sa 2019 Southeast Asian Games kung saan si Tim Cone ang head coach.

Final cuts ng pool sina 7-footer Greg Slaughter, energetic guard Scottie Thompson at do-it-all forward Art dela Cruz.

Samantala papamunuan ni five-time PBA MVP ang bid ng Gilas para sa ginto, kasama ang dati nitong kakampi sa San Miguel na si Christian Standhardinger.

Ilan pa sa nakasungkit ng slot ay sina Roger Pogoy, Matthew Wright, Marcio Lassiter, Japeth Aguilar, Stanley Pringle, Troy Rosario at LA Tenorio.

Samantala, dagdag din sa lineup ang susubok para sa kanyang ikalimang SEAG medal ay si NLEX star Kiefer Ravena.

Bagong mukha naman sa Philippine team sina Vic Manuel at Chris Ross.

“Although the decision was surely not easy, the SBP have complete trust in the team and we’re excited to defend our crown as the best basketball team in the region,” ayon kay SBP president Al Panlilio.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?