42

Feb 3, 2020 @ 18:00
By

3 drug suspek todas sa ‘engkwentro’ sa Bulacan

Patay ang tatlong hinihinalang drug personalities matapos ang umano’y engkwentro sa San Jose Del Monte City sa lalawigan ng Bulacan, Linggo ng gabi.

Kinilala ni Police Col. Emma Libunao, acting Director ng Bulacan Police Provincial Office (PPO) ang mga nasawing suspek na sina Jay-ar Borromeo, kabilang sa watchlist ng PNP at PDEA, isang alyas “Liit” at alyas “Junior.”

Sa ulat na pinadala ni Libunao sa Camp Crame, naganap ang insidente dakong alas-11:00 ng gabi, Pebrero 2, sa Barangay San Miguel ng nabatid na lungsod nang magsagawa ng buy-bust operation ang mga tauhan ng San Jose Del Monte Police Station.

Sa gitna ng operasyon ay nakahalata umano ang mga suspek na pulis ang kanilang ka-tranasaksyon dahilan upang humugot ng baril ang mga ito at nagsimulang paputukan ang mga awtoridad.

Napilitang gumanti ng putok ang mga pulis dahilan upang mapatay ang mga suspek.

Nakuha sa pag-iingat ng mga ito ang 30 sachet ng pinaghihinalaang shabu, 13 basyo ng bala ng 9-mm na kalibre ng baril, isang tricycle na walang plaka.

Nakumpiska rin ang isang kalibre .38 baril at isang improvised na baril o sumpak.

Kasalukuyan nang nasa Faith Funeral homes ang labi ng mga nasawi para isailalim sa awtopsiya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?