64

By

3 dampot sa cara y cruz

Arestado ang tatlong lalaki matapos mahuli ng paglalaro ng cara y cruz sa ikinasang Simultaneous Anti Criminality Law Enforcement Operations (SACLEO) ng Marikina Police, kahapon ng madaling araw sa Barangay Nangka.

Batay sa nakalap na report mula sa tanggapan ng Eastern Police District (EPD), nahaharap sa kasong paglabag sa PD 1602 o illegal gambling act sina Enrique Davu y Barrera, 30-anyos, janitor; Jonathan Petilla y Mansalapuz, 29-anyos, painter; Jayson Layugan y Calleja, 31-anyos, painter, pawang mga residente ng Marikina City.

Naganap ang insidente bandang 2:12 kahapon ng madaling araw sa covered court ng Camacho St., Phase 2, Barangay Nangka nang ireklamo ng mga kapitbahay ang pag-iingay ng mga suspek habang naglalaro ng cara y cruz.

Nakumpiska mula sa mga suspek ang isang P100 peso bill, limang P50 peso bills, walong P20 na gamit bilang bet money at tatlong P.25 sentimo bilang pangara.

Kasalukuyang nakakulong ang mga suspek sa Marikina detention cell.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?