89
Estudyante arestado sa bitbit na marijuana sa LRT
By

3 call center agent laglag sa droga

Naaresto ng mga awtoridad ang tatlong call center agent sa isinagawang magkakahiwalay na buy-bust operation sa Quezon City, Martes ng gabi.

Sa report, unang ikinasa ang buy-bust ng mga tauhan ng Kamuning Police Station ng QCPD Station 10 dakong alas-6:40 ng gabi sa Maginoon St., Brgy. Central na nagresulta ng pagkakadakip ng suspek na si Collie Quince Cabling, 23, nakatira sa Barangay Urban Bliss, Barangka, Marikina City.

Nakabili ang poseur buyer ng shabu mula sa suspek at nang arestuhin ay nakuhanan pa siya ng isang medium size ziplock transparent plastic sachet na naglalaman ng droga.

Sa hiwalay na operasyon na ikinasa ng mga tauhan ng QCPD Cubao Police Station 7 dakong alas-9:45 ng gabi sa tapat ng main entrance ng Farmers Plaza ay nadakip si Josephus Balaoro, 24, isa ring call center agent na nakatira sa Barangay Baesa, Quezon City.

Nakumpiska kay Balaoro ang walong piraso ng transparent plastic sachet na naglalaman ng marijuana at droga na nagkakahalaga ng P12,000.

Sa buy-bust operation namang isinagawa ng mga tauhan ng QCPD Batasan Police Station 6 sa Lundayan Extention, Barangay Baesa, alas-11:30 ng gabi nadakip ang isa pang call center agent na si Enderson Luna.

Nasamsam ng pulisya kay Luna ang isang heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng shabu at nagkakahalaga ng P3,400.

Ang tatlo ay nakakulong ngayon sa QCPD detention cell at nahaharap sa kasong drug pushing.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?