314
3 bata patay matapos ma-suffocate sa sasakyan
By

3 bata patay matapos ma-suffocate sa sasakyan

Namatay ang tatlong bata sa loob ng sasakyan matapos ma-suffocate nang iwan ng apat na oras sa Barangay Calungusan, Orion, Bataan.

Kinilala ang mga biktima na sina Agatha Morales, 9; Shamel Alghela Morales, 8; at Pauline Keziah Morales, 6, na magpipinsan umano.

Kuwento ng ama ng isa sa mga biktima na si Jessie, ipinark (park) niya ang sasakyan ng alas-kuwatro ng hapon sa Eskinita Street at nang bumalik siya ng alas-otso ng gabi noong Mayo 13 ay natagpuan niyang walang malay ang mga bata.

Agad niyang dinala ang mga ito sa St. Michael Hospital sa Orion ngunit idineklarang dead on arrival ng attending physician.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?