40
Task force na magrerebyu sa ‘good conduct’ ng preso, ilulunsad ng DOJ

3 asylum-seeker pinagdesisyunan ngayong taon – DOJ

Bagama’t hindi pinangalanan dahil confidential umano, sinabi ng isang opisyal ng Department of Justice (DOJ) na may tatlong asylum-seeker na pinagdesisyunan ngayong taon.

Ito, sa gitna ng pahayag ni dating Miss Iran Bahareh Zare Bahari na gusto niyang maging asylum ang bansa dahil “politically-persecuted” siya.

“I don’t have the numbers pero this year alone, meron ako three decisions, I think, on asylum na dumaan,” saad ni DOJ Undersecretary Markk Perete sa midya.

Pinaliwanag din ng opisyal kung bakit hindi nila sinasapubliko ang usapan sa asylum.

“‘Pag ganyan, kept secret kasi most often, especially if you alleged political persecution, medyo, it’s a very sensitive issue, so most often also, it really depends on the applicant kung pa-publicize niya or hindi,” saad ni Perete.

“Besides, under our rules, we keep things confidential,” dagdag pa niya.

Nilinaw naman ng opisyal na sa tatlong desisyon na binanggit, hindi pa kasama roon ang kay Ms. Iran.

Sa tatlo, may isa umanong asylum-seeker na Syrian at tinitingnan pa ng DOJ ang ulat ng ibang ahensiya, maging ng United Nations, upang malaman kung ano ang political at social situation sa bansa ng asylum-seeker.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?