64

By

3 animal rescuer na-trap sa Taal Volcano island

Na-trap sa Taal Island ang tatlong miyembro ng People for the Ethical Treatment of Animals (PETA) Asia matapos nilang subukang i-rescue ang mga naabandonang hayop nitong Miyerkoles ng umaga.

Kinumpirma ito ni Philippine Animal Welfare Society (PAWS) executive director Anna Cabrera sa DZMM.

“Yung tatlong tao po ng isang organization they are there, na- trap po sa Taal Island mismo. I think they were trying to rescue the animals pero naiwan po sila kung sino man po ‘yung nagdala sa kanila doon,” wika ni Cabrera.

Kaya nanawagan siya sa Philippine Coast Guard para tulungan sila na mag-rescue sa tatlong animal rescuer na stranded sa naturang isla.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?