13
2nd win sisipain ng Super Eagles, Ghana
By ,

2nd win sisipain ng Super Eagles, Ghana

Matapos ang action-packed opening week ng Philam Life-7s Football League, balik aksyon ang liga sa ikalawa nitong linggo kasabay ng mga exciting na laro sa McKinley Hill Stadium sa Taguig.

Unang maghaharap ngayong Linggo, Pebrero 10, ang Bohemian Sporting Club at Real Amigos at makakasama nito sa field para sa 6:20 na laro ang Tondo FC na makakaharap ang H&J All Stars.

Puntirya ng BSC, Real Amigos at H&J All Stars ang unang panalo sa torneo sa ikatlong season nito habang target naman ng Tondo na masikwat ang back-to-back wins.

Umaasa rin ang Delimondo-Laro FC na masikwat ang nito ang ikalawa nitong panalo ngayong season sa oras na makaharap nito ang Ceres FC bandang 7:25 at maglalaro sila sa second batch ng mga laro sa matchday 2.

Sa kabilang laro naman, ang defending champions naman na Super Eagles ay masusubukan ang galinh sa oras na makaharap na nila ang Superbad, na pipiliting bumawi matapos ang matikman ang 9-1 na pagkatalo nito nakaraang linggo.

Kukumpletuhin ng bakbakang Stallions FC at Ghana FC ang maaksyong linggong ito habang sasagupain naman ng Futbol Fanatics ang Matu Deportivo bandang 8:30 ng gabi.

Ang youth division na may apat na age groups ay magsisimula ng alas-dos ng hapon at magiging exciting din ang mga ito.

Libre na mapapanuod ng fans ang mga laro na ito sa Mckinley Hill Stadium sa BGC sa Taguig.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?