58

By

2nd gold sa wushu, sinungkit ni Wong

Walang kupas ang nagkampeon dalawang taon na ang nakalilipas na si Agatha Wong sa pagsungkit niya ng ikalawang ginto sa 2019 Southeast Asian Games sa World Trade Center.

Si Wong, na nagkampeon din sa kanyang unang event nitong Linggo, ay nabulsa ang gintong medalya sa women’s taijijian sa iskor na 9.65.

Sumegunda si Thi Minh Huyen Tran ng Vietnam para sa silver medal finish sa puntos na 9.63, habang bronze naman ang pambato ng Brunei na si Basma Lachkar sa iskor na 9.62.

Ang wushu artist ang natatanging medal holder sa nasabing sport ngayong edisyon ng SEAG.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?