18

By

2M libro, 50-90% discounted sa Big Bad Wolf book sale

Nagbalik sa Pilipinas sa ikatlong pagkakataon ang Big Bad Wolf book sale.

Libre ang admission dito at lahat ay makaka-avail ng 50% hanggang 90% discount sa nasa dalawang milyong libro sa World Trade Center sa Pasay City mula February 14-24, 2020.

Nagpaalala naman sa mga bibisita na magsuot ng face masks at magdala ng alcohol at sanitizer panlaban sa coronavirus.

Kabilang sa mga ibinebenta rito ang isang set ng Harry Potter books na mabibili lang sa halagang P3,900.

Maliban sa mga discounted book, maaari ring makabili ng mga cute stickers at bookmarks.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?