3,897

Apr 3, 2020 @ 7:36
By

29 katao na nakalista sa relief goods, sa bahay ni kapitan nakatira

Umabot sa 29 na katao ang nilista ng isang barangay captain sa Tondo, Manila, at ang lahat ng ito ay nakatira mismo sa kanyang bahay.

Sa report ng ’24 Oras’ sa GMA, dumepensa si Barangay 251 captain Rene Angat matapos siyang ipatawag ng Manila City Hall dahil sa sobrang dami ng mga pangalan para sa kanilang bahay.

Paliwanag ni Angat, sa kanilang bahay umano nakatira ang kanyang mga kamag-anak, mga empleyado niya pati na rin ang ilang taxi driver.

Depensa nito na lahat naman umano ay entitled na makatanggap ng food pack mula sa gobyerno, ngunit ayon sa report ay ang iba sa nilista ni Angat ay magkakamag-anak at dapat ay tig-isang pamilya lang ang mga food pack.

“Apat doon na pangalan considered as one family lang. Kasama doon yung lola, lolo, pati yung apo isinama niya sa makikinabang ng food subsidy,” ayon Police Major Rizalino Ibay.

Dahil dito’y tinitingnan na ang mga pwedeng ireklamo kay Angat, kasama na dito ang Code of Conduct for Public Officals, at graft and corruption.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?