31

By

28 ROTC cadet nalason sa kanin

Nasa 28 cadet officer ng ROTC mula sa Isabela State University (ISU) ang na-food poison sa kinain na kanin noong Linggo.

Ayon sa report ng Isabela Police Station, sampung babaeng cadet officer at 18 lalaking cadet officer ang biktima.

Sinabi ni ISU administrator Dr. Quirino Parallag, lumabas sa kanilang pagsisiyasat na ang kinaing kanin ng mga cadet officer ay mayroong kakaibang amoy na nagdulot ng pananakit ng kanilang tiyan.

Sunod-sunod umanong sumakit ang tiyan ng mga estudyante na dinala sa opsital.

Nakalabas na sa pagamutan ang 24 sa mga biktima at apat na lamang ang ginagamot sa ospital.

Napag-alaman na mayroon namang insurance ang mga biktima ng food poisoning na gagamitin sa kanilang pagpapaospital.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?