125
Lalaki tinadtad ng saksak saka itinapon sa poso negro

28 beses sinaksak! Batang babae inatado ng ‘kalaro’

Kalunos-lunos na kamatayan ang sinapit ng isang 7-anyos na batang babae matapos na ito ay saksaking ng 28 beses ng umano ay kalaro nitong 15 anyos na lalaki sa San Pedro City, Laguna Miyerkoles ng hapon.

Ayon sa San Pedro police, idineklarang dead-on-arrival sa ospital ang biktimang si Eleona Mychie Remoquillo matapos na ito ay isugod doon ng mga kaanak.

Nangyari umano ang krimen sa bahay ng suspek na si alyas Dan sa isang compound sa Barangay Cuyab dakong alas-4:00 ng hapon.

Habang nakaupo ang biktima sa labas ng bahay ng suspek, tinawag umano ito ng binatilyo at niyaya na maglaro sa loob.

Subalit sa hindi malamang dahilan ay pinagsasaksak ito ng suspek.

Hindi naman makapaniwala ang mga magulang ng dalawang bata na mangyayari ang krimen.

Inaalam naman ng mga awtoridad kung ginahasa ba ang bata bago ito sinaksak.

Napag-alaman na kakalipat pa lamang ng pamilya ng suspek sa naturang lugar.

Nasa kustodiya ng San Pedro police ang binatilyo at ililipat ito sa pangangalaga ng DSWD dahil sa pagiging menor de edad.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?