42

By

27 mga aso nailigtas ng animal rights group mula sa death row

Nagkaroon ng pagpupulong sa pagitan ng animal rights group na Beyond the Breed at ni Toledo City Mayor Joie Perales para talakayin ang isyu sa mga impounded na mga aso ng lungsod kasama sina Dr. Nelcy Garton mula sa Toledo City Veterinary Office, Atty. Glenn Cavada, at City Councilor Amiboy Perales.

“OUR VOICES HAVE BEEN HEARD. We are happy to inform you that the meeting was productive and promising. To start with, the dogs in the pound, which are initially scheduled for euthanasia tomorrow, will REMAIN AT THE POUND UNTIL FURTHER NOTICE. The team will ensure that the dogs are fed properly and are well-taken care of during their entire stay,” post ng Beyond the Breed – Toledo City sa kanilang Facebook page noong August 22.

Parehong partido ay sumang-ayon na pumirma sa Memorandum of Agreement na may kaugnayan sa tamang pamamahala ng mga naliligaw na aso sa lungsod.

Ayon sa Beyond the Breed hindi sila kumokontra sa pagka-impound ng stray dogs.

Ang layunin nila ay para sa mas maayos na pagtrato sa mga aso at mabigyan ang mga ito ng isa pang pagkakataon para mabuhay.

Sa kauna-unahang pagkakataon sa kasaysayan ng Toledo City, ang LGU ay nakinig sa isang pangkat na nangangalaga sa kapakanan ng hayop.

Nagbigay si Perales ng 10 higit pang araw para panatilihin ang mga aso sa pound.

Maaring dahil ito sa labis na panawagan mula sa mga pet-lover ng Cebu at ibang bahagi ng bansa na nagpapahayag ng kanilang interes sa pag-ampon ng ilang mga aso sa pound.

Nitong Agosto 31, nagpost ang Beyond the Breed sa kanilang Facebook page na mayroong 11 na aso ang nangangailangan pa ng mga tahanan. Sila din ay inabisuhan ng City Veterinary Office ng Toledo City na ipapagpatuloy ang paghuli at pag-impound ng anumang mga aso na pakalat-kalat.

“The City Veterinary Office of Toledo City has informed the group that they will RESUME CATCHING/IMPOUNDING of any dog (stray or owned) that will be found in the streets, public areas, outside the owner’s premises, unfenced private properties, public places and in government buildings,” sabi ng Beyond the Breed sa Facebook post ng Septyembre 2.

Inaanyayahan naman ng animal rights group na siguraduhin ang pag secure ng mga dog owner sa kanya-kanyang alaga.

Mayroon ding iilang natitirang aso sa pound ayon sa Beyond the Breed, “If you are interested in adopting, please send a message to 09164736815, so we can assist you better during the adoption process. If you would rather donate for these dogs, please contact 09176241429 for more details.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?