56
266 lumabag sa liquor ban huli sa Metro Manila
By

266 lumabag sa liquor ban huli sa Metro Manila

266 na ang kabuuang bilang ng mga indibidwal na nahuli sa kasong paglabag sa liquor ban.

“Since we started the liquor ban, doon sa duration na six hours, we have arrested a total of 266 violators,” ani Metro Manila police chief Guillermo Eleazar sa Balitaan sa Maynila News forum.

Ang naturang tally ay as of 6 am, saad ni Eleazar.

Mula sa nasabing bilang, 186 ang mula sa lungsod ng Quezon.

Saad ni Eleazar, ang Eastern Police District ang may pinakamababang bilang ng mga violator ng liquor ban na mayroon lamang 7 nahuli.

Dagdag pa ni Eleazar, kasunod ng pagpapatupad ng city ordinances sa Metro Manila, kabilang na ang liquor ban ay higit isang milyon na ang nahuhuli.

Samantala, karamihan sa mga lumabag sa mga ordinansa ay binigyan lamang ng warnings habang ang iba ay nagbayad ng danyos.

Ang liquor ban ay nagsimula noong midnight ng Linggo at matatapos ito sa Martes.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?