61
266 inmates nakaboto sa Manila City Jail
May 13, 2019 @ 15:15
By

266 inmates nakaboto sa Manila City Jail

Umabot sa may 266 inmates ang nakaboto sa isang special polling precinct sa Manila City Jail (MCJ) sa ginanap na national and local elections nitong Lunes.

Nabatid na alas-8:30 ng umaga nang magsimula sa tinatawag na special polling precinct ang pagboto ng mga inmate na nakahabol noon sa itinakdang registration period ng Commission on Election (Comelec).

Sinabi ni J/Capt. Jay Rex Bustanera, ala-1:30 ng hapon nang matapos ang pagboto ng mga inmate para sa mga senador at party-list lamang na inobserbahan ng kinatawan ng Comelec, Parish Pastoral Council for Responsible Voting at Commission on Human Rights.

Isinagawa ang pagboto ng mga inmate sa chapel ng MCJ.

Nabatid na ang mga boto ng mga bilanggo ay sinekyur (secure) ng Comelec at dinala sa pinakamalapit na polling centers para ipasok sa vote counting machines.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?