30

By

26 patay sa nagliyab na bus sa China

Isang tour bus ang nasunog habang binabagtas ang isang highway sa central China nitong Sabado.

Ayon sa report ng Washington Post, 26 ang namatay sa insidente habang 30 pa ang sugatan.

Nangyari ang insidente dakong alas-7:15 ng gabi sa Hanshou County sa siyudad ng Changde.

Nasa 56 katao ang sakay ng bus na kinabibilangan ng 53 na pasahero, isang tour guide at dalawang driver.

Kapwa ikinulong ang dalawang driver habang gumugulong pa ang imbestigasyon sa kung ano ang sanhi ng pagkasunog ng bus.

Matatandaang nito lang Huwebes nasa 62 katao ang nasawi sa pagsabog naman ng isang chemical plant sa Jiangsu.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?