140

By

26 bahay wasak sa matinding alon sa Mindoro

Tumama ang isang malakas na alon sa Palauan, Occidental Mindoro na nagresulta ng pagkawasak ng nasa 26 kabahayan sa nasabing lugar, nitong Sabado.

Ayon sa disaster risk and reduction management ng nasabing lugar, tumama ang malalaking alon sa 10 hanggang 12 bayan sa Palauan, at bukod sa mga bahay ay ang pagkawasak din ng nasa 50 istruktura sa lugar.

Nasa 11,962 residente ang naapektuhan ng natural calamity, na sanhi ng bagyong Quiel.

Samantala, 620 katao naman ang napilitang magsilikas dahil sa lakas ng alon na umabot sa limang metro.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?