92

By

25K boy scout inilikas sa Zambales

Nasa 25,000 boy scout na dumalo sa 17th National Scout Jamboree sa Botolan, Zambales ang dinala sa mga evacuation center dahil sa pananalasa ng bagyong Tisoy.

Ayon sa Boy Scouts of the Philippines-Zambales Chapter, inilikas sa kanilang mga campsite sa Barangay San Juan dakong ala-una ng hapon nitong Martes, Disyembre 3 ang mga jamboree delegate.

Isinakay ang mga boy scout sa mga bus at truck patungo sa 38 public school para masiguro ang kanilang kaligtasan.

Nagmula ang mga boy scout sa iba’t ibang lalawigan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?