38

Jun 18, 2020 @ 21:55
By

23K OFW, stranded sa Saudi

Kabuuang 23,000 OFW sa Saudi Arabia ang stranded sa kasalukuyan, ayon sa Philippine Overseas Labor Office (POLO) sa Riyadh nitong Huwebes.

Kabilang aniya sa rason ang pagsasara ng mga kompanyang pinapasukan ng mga ito.

“There are many reasons. First, their companies have stopped operations. Second, no work, no pay. Third, they are undocumented workers. Some of them are runaway and they are asking for repatriation,” sambit ni Labor Attaché Nasser Mustafa.

Sa 23,000 OFW, nasa 5,000 ang nakakuha na aniya ng final exit visa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?