39

May 8, 2020 @ 15:17
By

23 Pinoy sa Dubai dedo sa COVID

Sa Dubai, nasawi sa coronavirus disease 2019 ang nasa 23 Pilipino.

Ayon din kay Philippine Consul General Paul Reymond Cortes ngayong Biyernes, maraming Pinoy na pinababatid sa kanila ang pagkahawa sa COVID-19. Hindi siya nagbigay ng tala.

Nakikipag-ugnayan umano ang Philippine consulate sa Dubai police para mapuntahan, ma-isolate at magamot nang libre ang mga COVID-19 positive na Filipino roon.

Hanggang nitong Huwebes, ayon sa Department of Foreign Affairs, 222 Pinoy na sa ibang bansa ang kinitil ng coronavirus.

Samantala, 1,922 iba pa ang nahawa habang 557 ang gumaling mula sa virus.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?