97
23 lokal na opisyal arestado sa iligal na baril
By

23 lokal na opisyal arestado sa iligal na baril

Inanunsiyo ng Criminal Investigation and Detection Group na 23 local government officials na ang nadakip nila sa serye ng operasyon laban sa mga baril na walang lisensiya nationwide.

Kinilala ang mga lumabag sa Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act na sina Mayor Romeo Vargas ng Tubajon, Dinagat Island at Vice Mayor Antonio Adlao ng Tagbina, Surigao del Sur.

Maliban kina Vargas at Adlao, kasamang nahuli ang isang miyembro ng sangguniang barangay, siyam na chairman, 10 village councilmen at isang general service officer mula Marso 22 hanggang 28.

Nasabat sa operasyon ang 137 armas at 34 pampasabog.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?