643

Feb 17, 2020 @ 21:47
By

23-anyos na sawi sa pag-ibig, nagpakasal sa 64-anyos

Nagdesisyon ang isang 23-anyos na babaeng may failed marriage na magpakasal sa 64-anyos na lalaki.

Naitampok ang love story nina Venus Usman at Barangay Captain Bapa Max Gandalibo sa isang programa sa telebisyon.

Kasal na si Gandalibo pero pumayag ang una nitong asawa na maikasal siya kay Usman.

Nag-asawa si Usman noong 22-anyos pa lang siya pero pagkaraan ng isang taon, nawasak ang pagsasama nila ng kanyang mister habang na-stroke at naparalisa naman ang misis ni Gandalibo.

Nagpakasal sina Usman at Gandalibo noong Valentine’s Day sa Maguindanao para makasama ang principal sponsor nilang si 2nd District Rep. Esmael “Toto” Mangudadatu.

Sabi ni Mangudadatu sa kanyang Facebook post, na isa na namang patunay ito na bulag ang pag-ibig at walang pinipiling edad kapag ito’y kumatok sa puso ng bawat ninuman.

“Ngayong araw mismo ng mga Puso ay pinatunayan ng isang 23 years old na batang babae na si Venus Usman na umibig sa isang 64 years old na lalaki na si Max Gandalibo. Mabuhay ang bagong kasal,” aniya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?