24

Jun 30, 2020 @ 13:50
By

221 preso papalayain sa COVID crisis

Abot sa 221 preso ang binigyan ng parole kasabay ng COVID-19 pandemic, na layuning mapaluwag ang mga selda sa bansa.

Ayon sa weekly report ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Kongreso, 221 na mga preso ang papalayain base sa approval ng Board of Pardons and Parole (BPP).

Lahad pa ng Pangulo, nasa 119 naman persons deprived of liberty ang binigyan ng executive clemency.

Ang mga papalayaing preso ay kailangan munang sumalang sa quarantine bago tuluyang makalabas ng kulungan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?