157

By

22 patay sa pagsabog ng bulkan sa New Zealand

Umakyat na sa 22 katao ang bilang ng mga nasawi sa pagsabog ng bulkan sa New Zealand, nang matagpuan ang ang anim pang bangkay sa White Island.

Ang mga bangkay, na pawang Australian nationals, ay posibleng noong Lunes pa umano sa lugar kung kailan pumutok ang bulkan, ang nakita ng New Zealand military specialists.

Dinala ang mga narekober na bangkay sa kalapit na isla sa eastern coast ng New Zealand kung saan naroon ang mga siyentipiko, pulis at militar na sumusubaybay sa mapanganib na operasyon, bagamat mapanganib ang isinasagawang ‘retrieval operation’ dahil sa ‘toxic gas’ na inilabas ng bulkan.

Dadalhin ang mga bangkay sa Auckland para sa medical examination at para matukoy ang pagkakakilanlan.

Patuloy pa rin ang isinasagawang ‘retrieval operation’ para makuha ang dalawa pang bangkay na hindi pa natatagpuan.

Nabatid na dahil popular ang bulkan sa White Island kaya nang ito ay biglang pumutok nooong Lunes, ay maraming turista ang nandoon na mula sa Australia, United States, New Zealand, Germany, China, Britain at Malaysia.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?