103

By

21 points ni Paras, nagtakas sa UP vs Adamson

Umeskapo ang panig nina Kobe Paras at University of the Philippines Fighting Maroons 81-77 kontra Adamson University Soaring Falcons nitong Linggo para UAAP Season 82 Men’s basketball tournament sa Ynares Center, Antipolo.

Sampa sa 7-4 ang koponan ng UP matapos ang dikdikang laban.

Pinangunahan ni Paras ang Diliman-based squad na may 21 points, limang rebounds, tatlong blocks, dalawang assist, isang steal at nagtala naman si Jun Manzo ng 17 points, pitong rebounds, tatlong assist, tig-isang steal at block.

Kontrolado ng Adamson ang laban ngunit sa ika-3:27 minuto ng 4th quarter, naitabla ni Paras ang laban 74-74, pinalamang pa 79-77 matapos ang isang three-point shot.

“Although it’s a big win for us, we need to focus on the next one,” pahayag ni UP head coach Bo Perasol.

Saad naman ni Manzo, “It’s not about me, it’s about the whole team. So, magtulungan pa kami palagi, malayo maaabot namin,”

Nag-ambag rin sa panalo sina Juan Gomez de Liaño na may 15 points, Bright Akhuetie na umiskor ng 12 points at Ricci Rivero na nagtala ng pitong puntos.

Sa kabilang dako, baba sa 4-7 ang marka ng Soaring Falcons, kapos ang 19 points ni Val Chauca, 13 points ni Jerrick Ahanmisi at 11 points ni Simon Camacho.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?