37

By

2019 PBA D-League Final 4: TIP pipigilan si Poligrates, Marinero

Mga laro Huwebes: (Ynares Sports Arena/Pasig)

1:30pm — CEU vs BRT Sumisip Basilan- St. Clare

3:30pm — TIP vs Marinerong Pilipino

Salpukan ang TIP at Marinenong Pilipino sa sariling best-of-three semifinals ng 2019 PBA D-League Foundation Cup, alas-3:30 ng hapon sa Ynares Sports Arena sa Pasig.

“Poetic. Marinero-TIP last conference,” sambit ni TIP head coach Potit De Vera.

“With that partnership, we made it all the way to the playoffs. It’s going to be interesting. It’s going to be fun.”

Maganda ang pinapakita ng Engineers nang sungkitin nila ang top 2 seed sa Group B tangan ang 5-1 karta ngunit hindi naman ito magiging madali sa kanila katapat ang Skippers na namamayagpag sa Group A at kargado ng ex-pro na si Eloy Poligrates.

“We are here to compete,” ani De Vera. “It’s going to be one great player against five TIP players. Isa lang naman ang bola so we have to take care of one guy against five guys. That’s how we look at it. They’re gonna play against a TIP team, not a TIP player. It doesn’t matter kung sino yung mga who’s who nila ngayon sa lineup, we’re gonna compete,” tiwalang sambit pa nito.

Handa namang tapatan ni Skippers head coach Yong Garcia ang inaasahang dikdikang laro nila ng TIP.

“Ang focus namin is more on correction sa mga mali namin especially on defense,” wika ni Garcia. “Hopefully sa semifinals trabahuhin ulit ng mga players para makarating kami sa finals.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?