86

By

2019 DSCPI competition sa Marso 16

Itataguyod ng DanceSport Council of the Philippines, Inc. (DSCPI) ang 2019 DSCPI 1st quarter competition sa Marso 16 sa Ballroom Hall, Valle Verde Country Club sa Pasig City.

Ayon kay DSCPI President Becky Garcia magkakaroon ng 400 participants mula sa iba’t ibang lugar sa ng maglalaban laban para sa ranking at selection competition para sa mga isasabak sa 2019 Southeast Asian Games na gaganapin sa bansa.

Ilan sa mga licensed adjudicator ng World DanceSport Federation ay sina Foo Yoong Chen “Vivian” (Malaysia), Valeriy Gulay (Russia), Yoshikazu Inazawa (Japan), Marcel Keijzer (Netherlands), Jae Ho Kim (South Korea), Hong Thi Nguyen “Kathy” (Vietnam), Lubos Novotny (Czech Republic), Galina Gulay (Russia), Jun-De Jiang at Sheng-Wei Lin “Boris” (Taiwan) at Karl Olivier Alba (Canada).

Mabibili ang mga ticket sa DanceSport Training Center, Philsports Complex, Meralco Avenue sa Pasig City o sa entrance ng Ballroom ng Valle Verde Country Club.

Suportado ng Philippine Sports Commission, Philippine Olympic Committee, Philippine Amusement and Gaming Corporation, Flawless, Dance Results Philippines, Like-FM 105.9, Studio AK, Muebles Italiano, The Greenery Bulacan at Caruso Ristorante Italiano ang nasabing kompetisyon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?