102
rodrigo-duterte
By

2019 budget nakatakdang lagdaan sa Abril 15

Matapos ang mahabang paghihintay ay nakatakdang pirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang 2019 General Appropriations Act (GAA) sa Abril 15, 2019.

Kinumpirma  ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na  nasa  official schedule  na  ni Pangulong  Duterte sa Abril 15 ang ceremonial signing  ng 2019 budget na inaasahang dadaluhan ng mga matatas na opisyal ng gobyerno at mga mambabatas mula sa Mababa at Mataas na Kapulungan ng Kongreso.

Ang  budget  para  ngayong  taon ayon sa  kalihim ay pagpapatuloy  sa ipinangakong  pagbabago ng  bansa  sa  pamamagitan ng  mga  nakalinyang  programa  ng pamahalaan na   magpapaangat sa  buhay  ng  mga  Pilipino lalo na ang  nasa  mahihirap na sektor.

Pinasalamatan din ng  kalihim ang  mga  mambabatas  mula sa  Kamara at Senado dahil sa  pagsuporta sa  mga  adhikain ng  administrasyon tungo sa isang  maunlad  at masaganang bansa.

Ang gobyerno ay gumagamit ngayon ng reenacted budget dahil sa kabiguan ng Kongreso na maipasa ang P3.7 trilyong panukalang budget bago matapos ang 2018.

Tumagal at natengga ang panukalang budget sa Senado kahit naratipikahan na ito sa bicameral committee dahil pinakialaman umano ng liderato ng Kamara ang 2019 budget na pinagdudahang isiningit na pork barrel fund.

Nag-urong sulong ang liderato ng Senado na pirmahan ang 2019 GAA subalit kalaunan ay pinirmahan din at ipinauubaya na sa Pangulo kung ibe-veto o hindi ang natuklasang nakasingit na budget.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?