125
2019 budget na walang ‘pork’ tagumpay ng mga Pinoy – Sotto, Lacson
By

2019 budget na walang ‘pork’ tagumpay ng mga Pinoy – Sotto, Lacson

Alam umano ni Pangulong Rodrigo Duterte na tama ang Senado kaya tinapyas nito ang nasa P75 bilyong “pork” sa nilagdaang 2019 national budget.

Ani Sotto, vineto ng Pangulo ang P95.3 billion kabilang ang P75 bilyon na realignments ng Kamara.

Samantala, kahit hindi pa niya nakikita ang veto message ng Pangulo, naniniwala si Senador Panfilo Lacson na karamihan kung hindi man lahat ng P75 bilyong items ay vineto ng Pangulo.

Sa kabila nito, tagumpay pa rin umano ito ng mga Filipino taxpayer.

“Having said that, I would like to personally commend the President and his economic managers for coming up with a ‘pork-free’ national budget,” ani Lacson.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?