12

By

200 pirasong kalansay na nakakalat, binigyan ng disenteng libing

Nasa 200 na kalansay at bungo na nagkalat sa loob ng Manila North Cemetery ang binigyan ng maayos na libing.

Ayon sa director ng Manila North Cemetery na si Roselle Castañeda, pinagsama-sama umano ang mga piraso ng kalansay at bungo matapos nilang mabatid na nakakalat ang mga ito sa mga daanan, sa bubungan at mga puntod sa sementeryo.

Dagdag pa niya, hindi na matutukoy ang pagkakakilanlan ng mga buto kaya binigyan na lang ang mga ito ng disenteng libing sa isang mass grave sa Main Circle ng Manila North Cemetery noong Martes.

Binasbasan ito ni Rev. Fr. Artemio “Tem” Fabros ng San Jose de Manggagawa de Manuguit.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?