36

Jan 31, 2020 @ 11:32
By

200 patay, 9.7K tinamaan ng Wuhan coronavirus

Nasa 213 na ang kabuuang bilang ng mga namamatay sa mainland China dulot ng novel coronavirus (2019-nCoV).

Samantala, as of 10 am ngayong Enero 31 (PH time), nasa 9,776 na ang kumpirmadong kaso ng mala-pneumonia na sakit sa buong mundo, kabilang ang 9,658 mula mainland China.

Kahapon binalita ang unang nagpositibong kaso ng 2019-nCoV sa Pilipinas: isang babaeng Chinese na mula sa Wuhan City sa Hubei, China at bumiyahe sa Hong Kong, Cebu, at Dumaguete bago nagpaospital sa Metro Manila.

Ayon kay DOH Secretary Francisco Duque III, kasalukuyang nakahiwalay at ginagamot ito sa San Lazaro Hospital sa Maynila.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?