19
buy-bust1
By

2 tulak timbog sa buy-bust sa Pasig

Arestado ang dalawang tulak ng iligal na droga matapos ang ikinasang buy-bust operation, Lunes, Agosto 12, sa Barangay Rosario, Pasig City.

Batay sa ulat ng Eastern Police District, nakilala ang mga suspek na sina Arnold Santiago, 48 at Clady Ruiz, 23, kapwa residente ng nasabing lungsod.

Ikinasa ng drug enforcement unit ng istasyon ang buy-bust bandang ala-una ng hapon sa R.O.T.C Street sa nasabing barangay matapos makatanggap ng tip kaugnay sa iligal na pagbebenta ng droga ng mga suspek.

Isang pulis ang umaktong bibili at nakipagtransaksyon sa mga suspek para makabili ng shabu. Nang ibibigay na ang droga ay doon na dinampot ang dalawa, kung saannakumpiska ang limang plastic sachet na naglalaman ng shabu at P200 buy-bust money.

Kasalukuyang nakakulong ang dalawang suspek sa Pasig detention cell at nahaharap sa kasong paglabag sa Sections 5 at 11 ng Article 2 ng Republic Act 9165 o “Comprehensive Dangerous Drugs Act”.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?