115

By

2 todas sa pamamaril sa Batangas

Patay ang dalawang lalaki sa magkahiwalay na insidente ng pamamaril sa lalawigan ng Batangas noong Lunes, Disyembre 9.

Agad nasawi sa loob ng kanyang minamanehong kotse ang biktimang si Edgardo Umali Jr., matapos tadtarin ng bala ng suspek na si Ramil Remo sa national highway sa Barangay Sico 1st sa bayan ng San Juan, alas-12:30 ng tanghali.

Nadakip naman ng mga pulis sa hot pursuit operation ang suspek at narekober dito ang kalibre .45 baril na ginamit.

Sa Rosario, Batangas, dead on the spot din ang biktimang si Arnel Cuadro na pinagbabaril ng hindi nakilalang suspek habang nakaupo sa kanyang nakaparadang motorsiklo sa Barangay Natu, alas-9:00 ng gabi.

Ayon sa mga nakasaksi, naglakad lang papalayo ang suspek na bitbit pa ang kalibre .45 baril na ginamit matapos ang krimen.

Patuloy pang iniimbestigahan ng mga awtoridad ang dalawang kaso at inaalam ang mga motibo sa krimen.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?