54

By

2 todas sa motor sa Batangas

Patay ang dalawang motorcycle rider sa magkahiwalay na aksidente sa lalawigan ng Batangas, Miyerkules.

Dead on arrival sa ospital ang unang biktimang si Dhean Melvin Dellamas, nang ang minamaneho nitong motorsiklo ay mabangga ng Mitsubishi Montero na dina-drive ni Marlene Dimarun, alas-5:30 ng hapon.

Papalabas umano ng subdivision ang biktima nang masapol ito ng paparating na SUV na bumabagtas ng provincial highway sa Barangay Muntingpulo.

Nasa kustodiya naman ng Lipa City police si Dimarun.

Sa Batangas City, patay na nang idating sa Bastangas Medical Center ang biktimang si Eduardo Fabros nang ang minamaneho nitong motorsiklo ay bumangga sa kasalubong na tricycle sa Barangay Tabangao Ambulong dakong 6:45 ng hapon.

Nawalan umano ito ng kontrol at tumawid sa kabilang lane kaya nangyari ang salpukan.

Sugatan din ang driver ng tricycle na si Allan Dalisay at ang isang hindi natukoy na pasahero nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?