32

By

2 terorista nalambat sa Maynila

Sharing is caring!

Dalawang hinihinalang terorista ang nahuli sa Maynila nitong nakalipas na holidays.

Kinumpirma ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Director Guillermo Eleazar na naaresto sina Sudais Asmad at Jeran Aba.

Una umanong nadakip si Asmad sa Binondo noong Disyembre 20.

“Most wanted” umano si Asmad dahil sa pagdukot sa 15 manggagawa ng plantasyon sa Basilan noong 2011.

Ilang araw ang nakalipas ay nahuli naman si Aba sa Quiapo na may dalang baril at granada.

Miyembro umano ito ng “Daulah Islamiyah” o Maute Group.

Tinangka umano ng mga suspek na maghasik ng terror attack noong Kapaskuhan.

Nasa kustodiya na ng National Capital Region Police Office sa Camp Bagong Diwa ang dalawa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?