240

By

2 taon nagtiis, EJ Laure babalik

Matapos ang dalawang taon na pagka-garahe dahil sa shoulder injury, muling hahataw sa loob ng volleyball court si EJ Laure para sa Foton Tornadoes.

Babalik para muling magpasiklab ang UAAP Season 77 women’s volleyball Rookie of the Year para 2019 PSL All-Filipino Conference.

Matatandaan na huling nakapaglaro si Laure para sa Foton noong 2017 PSL Grand Prix kung saan ay nasungkit nila ang bronze medal.

Makakasama ng 21-year-old open spiker sina UP Lady Maroons standouts Justine Dorog at Marian Buitre gayundin si UAAP Season 81 Best Setter mula UE Laizah Bendong.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?